Monday, June 26, 2006
never ending friendship
B1 - tahimik; maputi; seryoso; matalino; youth; cute
B2 - mabiro; maitim; kwela; maabilidad; singles; feeling cute..

Kung iyong titingnan at susuruing mabuti saan mang anggulo magkaibang-magkaiba sina B1 at B2. Iba ang environment na kinalakihan at estado sa buhay nila, pagdating naman sa boys gusto ni B1 ang malinis at maputi (at dapat spike ang hair), si B2 naman ay madungis at maporma. Kahit ganito, 100% silang nagkakaintindihan walang problema kung magkaiba man sila ng personalidad. Palibhasa parehong baduy, madrama at pikon. hehehe. Good listener at malawak ang pang-unawa sa bawat isa. ni b2 kay b1.

Nagkatagpo sina B1 at B2 ng di inaasahan, thru text, nakilala nila ang isat isa, na-build ang isang napakagandang FRIENDSHIP na di matatawaran ninoman at saksi duon ang KFC. Masaya sila kapag magkasama, walang katapusan ang kwentuhan, tawanan, dramahan at upliftment. Palagi nila itong ginagawa sa loob ng mahigit tatlong taon.

Dumating ang time na si B1 ay kailangang umalis para abutin ang kanyang mga pangarap dala ang mga pangako na sinumpaan nila ni B2. Kahit magkakahiwalay sila ng matagal na panahon, alam ni B2 na hindi sya makakalimutan ni B1. Malungkot para sa isa't isa ang ganito, pero ano pa bang magagawa nila, kungdi tanggapin na lamang ito.

Makalipas ang dalawang taon, wala pa rin si B1, pero hindi naman sya nakakalimot at patuloy pa rin ang pakikipag-usap kay B2, mas maraming kwentuhan, tawanan at upliftment. Alam ni B2 kung gaano sya kahalaga kay B1.

Para kay B1 at B2 isang tasang kape at chocolate rebisco.... CHILL!


***pinagulo ni Promil Child... 12:15 AM
***muling isinaayos ni batang kape 3:15PM
 
posted by Tekla.Inkee at 9:15:00 AM | Permalink |


5 Comments:


  • At 26 June, 2006 09:56, Anonymous Anonymous

    wow astig ang friendship nyo ha.. "til death do us part" nyahahha

     
  • At 26 June, 2006 15:56, Blogger Miss Blogger

    nakakatuwa naman at napakaganda ng friendship ni B1 at B2! saksi pa ang KFC! hehe sana ako rin makatagpo ng ganyang kaibigan :D

     
  • At 26 June, 2006 16:26, Blogger Ann

    Ganyan ang friendship kapag tunay. Ilang taon man ang lumipas, di man magkita ng personal, andun pa rin yung care sa isa't-isa. Dahil deep inside nagkakaintindihan sila.

     
  • At 26 June, 2006 19:29, Blogger lheeanne

    Ang difference sa inyong dlawa ang nagpapatatag sa frenship ninyo kc u learn something new at iba iba ang kuro kuro sa buhay....

    Pahalagahan ang inyong frenship lalo na kung alam ninyong itoy pang matagalan...

    Tatagay din ako para sa inyo... CHILL... sa duyan ni SANJO??? heheh

     
  • At 20 July, 2006 08:15, Anonymous Anonymous

    Great site lots of usefull infomation here.
    »