Oooppss... alas dose na pala.. malapit na matapos ang deadline ko.. hayy... sabi kasi ni Vichen e dapat daw e meron akong bagong entry. Sayang naman daw yung ponkan na layout kung ala naman laman. Anyway.. My 8 hours pa ko bago pumasok sa school.. hmm.. wala na talaga ako maisip.
Ahh.. hmm.. bilang panimula.. ipo-post ko nalang po ito... ito po ay isa sa mga takdang-aralin ko.
~o~o~o
Paaano mo sasabihin sa hangin na tumigil sa pag-ihip?
Mapapahinto mo ba ang pagbuhos ng ulan?
Kayanin mo kaya ang lamig,
Kung magsawa na sayo ang araw?
Mapipigil mo ba ang ibong gustong umalpas?
Para manatili sayo at nang aliwin ka.
Maiiwasan mo bang masaktan,
Kung lahat ng ito’y magagawa na?
Maintindihan mo kaya ang tunay na sinasaad,
Kung ako man ay gumamit ng makukulay na salita?
Deskripsyon sa tagalog, pinilit gawing tula.
Na tanging dinulot ay buhol-buhol na dila.
Kung singitan man ng ingles na wika,
Maging modernisado kaya ang aking tula?
Siguro sa gayun ay mapapansin na rin,
Ng coñong hinahangaan, itong aking likha.
Paano kaya malalaman na ikaw ang nilalaman,
Ang pilit tinutukoy ng aking mga tugma,
Kung sadya nang manhid at di tamaan ni kupido,
Ako na mismo ang pupukpok sayo ng martilyo.
Wag maalintala sa tulang sarkastiko,
Di naman nagnanais makasakit ng tao.
Tanging gusto ko lang naman sarili’y aliwin,
Ihasa at magamit tagalog na marikit.
Kung hindi mo man magustuhan itong aking gawa,
Mangyari manahimik, at huwag mangutya.
Di man kagandahan yaring nasusulat.
Wala ka nang magagawa, ako ang may akda.
~o~o~o
Sana'y kahit ilang minuto ay naaliw ko kayo. Wag mahihiya mag-iwan ng komento. Ang may-akda ay higit na malulugod sainyo. Salamat sa pagbisita!
Note: O, diba bstfrnd! Ang galing ko na mag-tagalog! moohahaha!
Sinulat ni: Inkee
ayan pwede na akong magcomment......
kanino ba dedicated ang tulang ito! kay b2 o kay vichen o kay tooooot..........
dapat kinuha mong course ay balagtasan at hindi computer wakekeke.