Saturday, November 18, 2006
adventure sa enrollment
Nang sabihin ni inkee na gusto nya mag-aral ulit, ipinag-inquire ko na agad sya sa mga skul dito sa batangas kung saan pwedeng ma-credit yung mga subjects nya sa kursong kanyang tinapos ng 3 taon Computer Programming at Multimedia Arts. Una kong pinuntahan ang STI at AMA since computer skul so expected ko daming subjects na maccredit pero nagkamali pala ako ng kutob ndi sila nagccredit esp computer subject kahit pareho yung units at description. Hello! baket ayaw nyo eh di ba pinopromote nga ni Sec. Syjuco ang ladderized education program? Anyways, kung ayaw nyo eh hindi ako magpipilit meron pa naman dyang ibang colleges na sa alam ko eh mas maganda ang standard of teaching. Sunod kong pinuntahan ay ang batangas state university ang aking alma mater at tahanan ng mga topnotchers & guess what? 20 subjects ang na-credit oH Ha! at full load pa 28 units kahit transferee at 2nd sem na. Salamat kay kaibigang Engr. Rufi sa special na treatment hehehe.

A day after dumating si inkee pinakuha ko na agad cya ng entrance exam at salamat ulit kay Prof. Gutierrez at kahit tapos na ang entrance examination period pina-take pa rin si inkee. Kinabukasan may result na at agad kaming nagpaevaluate. Haba ng pila sa assessment, registrar at cashier, buti na lang nadaan ko sa pagandahan este padrino pala. Opo nagkalat mga kamag-anak ko sa BSU at bingo enrolled na si inkee.

Akala ko duon na matatapos ang pagiging nanay ko, akala ko lang pala un hehehe. Naghanap kami ng tela para sa uniforn nya at dinala sa pinsan kong mananahi. Balikan na lng daw after one week :)

Start na ng klase saka pa lang nai-post ang schedule, naka-recieve ako ng text at sabi "magddrop na ako bestfriend" dali-dali akong nagpunta ng skul at nag-plot ng schedule nya sa tulong ng isang kilalang instructor. Sa wakas, oki na ang schedule at hindi ka na magddrop.

Excited na si inkee sa pagpasok kaya para may remembrance picture picture muna :)

Sa mga taong nagmagandang-loob at nag-assist sa amin ni inkee maraming maraming salamat po :)
 
posted by Tekla.Inkee at 11:27:00 AM | Permalink |


4 Comments:


  • At 18 November, 2006 20:16, Blogger Ann

    Buti na lang may bestfriend na kagaya mo, all around at talagang sincere. Matanong lang, naka uniform ba talaga dyan kahit college na?

     
  • At 20 November, 2006 00:00, Anonymous Anonymous

    husay may bestfriend na si inkee may nanay nanayan pa ..at husay pumili ng nanay nanayan ha daming kabatak at kamag-anak kahit saan ....naku kailangan pala talaga e magdididikit ako dito kay mam teks e ..uhmmn welkam bak inkee at maligayang pagbabalik pinas ... kung kailan halos daming gustong takasan pinas kaw naman bumalik :) mabuhay ka!

     
  • At 20 November, 2006 11:56, Blogger kiPay d'lakwatserah c",)

    wow ate inkee! back to school na..lakwatsa muna..hehe..sa kfc ulit..mam..kayoa ng second nanay ni teh inkee..hehe..

     
  • At 21 November, 2006 11:48, Blogger nona

    ang bait talaga..asan ka pa may bestfriend na..may inay pa...may ate..lahat na...keep up the good works!
    wow, student na student ang dating ni inkee, for good na ba siya dito?