Saturday, May 19, 2007
Weekdays Gimik
WEEEKDAYS GIMIK

dahil sa sobrang init at alinsangan, hindi ko alam kung saan susuot. kung pwede lang sa ref mag-stay ginawa ko na, kung pwede lang matulog dito sa skul ginawa ko na rin, kung pwede lang pumunta sa alaska nagpa-book na sana ako *joke*

buti na lamang at may mga malls na libreng nagbibigay ng lamig sa tulad ko, tulad mo at tulad ni bestfriend. pagpasok pa lamang sa entrance, halos sipsipin at lunukin namin ang lamig na ibinibigay nito. haaayyyy, sarap ng feeling!

para hindi naman halatang nagpapalamig lamang kami ni inkee, syempre dating gawi.... ang videoke! hanap agad ang kitchie nadal's medley at hala! bira na agad.

nang mawalan ng boses diretso na sa kainan. habang naghihintay ng order, sa halip na crackers ang ibigay, ito na lang daw muna at maglaro ng tic-tac-toe. after 10 minutes heto na ang pinakahihintay namin.... dyarrrraaaannnn!

maaga pa para umuwi kaya ikot ikot muna kami. si inkee ay duon at ako naman ay dito.

-----------------

akala mo RHO ikaw lang ang may gimik nung weekend syempre kami din ^_^
 
posted by Tekla.Inkee at 10:15:00 AM | Permalink |


4 Comments:


  • At 19 May, 2007 21:58, Anonymous Anonymous

    Sobrang init talaga! As in kahit di ka kumilos at para kang tuod na sa kinauupuan mo, pagpapawisan ka pa rin :(

    Videoke pala ang gimik nyo ha hehehe... ako natulog lang at super antok! Hehe

     
  • At 19 May, 2007 22:13, Anonymous Anonymous

    ang saya-saya naman ng weekend nyo ha!! tayps ko yang videoke na yan... hihihihi!! anong nangyari sa naghahamunan na yan?? sino ang wagi? hahahaha!!

    ang cute naman ng tic-tac-toe! ginoyo kayo pra daw makalimutan pansumandali ang gutom nyo.. hehehe!! hmmmm... miz ko na ang pizza! saraaaappp!!

    enjoy lang kayo!! saan ang gimik ng mag-bespren ngaun?? hihihi

     
  • At 20 May, 2007 08:47, Anonymous Anonymous

    oo nga, iba ang init ngayong mayo. mainit nung april, pero mas mainit ngayon. kaya sarap mag-mall :)

     
  • At 20 May, 2007 11:29, Blogger WOOT!

    haha! oo nga anoh.. yan ba yung buy1 take1??? hehe..

    hmm..buti pa ikaw may salaping panggimik. ako refridgerator lang ang pagaasa ng pagpapalamig. but pa ikaw kasama mo si bespren inkee. ako mga kaibigang hilaw na isa at sariwang prutas..sama sama kami dun sa refridgedor. hehe

    owki yan! may panahon para gumala!