Thursday, May 24, 2007
Ang Selebrasyon!
Kahapon ay nag-celebrate kami ni Vichen ng aming 51st monthsary ng pagiging mag-bestfriend. Biro mo ba naman... napag-tyagan ko ugali nya ng ganun katagal. haha! joke lng bstfrnd. Alam naman nila lahat na ikaw ung mabait at ako ung... kyut. wahaha!

As usual na ritual, kakain kami. Sa paghahanap ko ng mura na makakainan, ayan at napamahal lalo ng kumain sa Greenwich. Ang bait tlaga nitong bstfrnd ko at habang naghihintay ng order e binigyan nya ako ng aking fave libangan...eto. Sa wakas dumating na din ang order namin... at ang matagal ko nang inaasam na mango ala mode. Teka at overcharged ata, sabi sa poster e P39 lang daw, ngunit baket P49 ang nasa resibo? Kaya dali-dali ko pinabalik sa counter si bstfrnd.. at ayan nga.. nalaman na P39 nga nakalagay sa poster.. pero sa baba sa napakaliit na font size 10 ay **additional P10 for icecream. Gahhh!!! Para-paraan talaga ng Greenwich. Kaya nagpicturan na lang kami ni Vichen, habang nilalasap ko nalang ang aking P49 na ala mode. yummm...

Matapos kumain ay watch kami POTC3... premiere kasi. Buti nalang wala masyado tao at hindi maingay. Nakapagpa-picture pa ako dito... at pati na rin si bstfrnd. 8pm na natapos kaya dali dali na kami umuwi at baka maubusan na kami ng jeep.

Salamat nga pala bstfrnd sa gift mo. Gusto ko 2loy umiyak para mgamit ko xa. Cenxia ala ako gift.. eto nalng entry na to! *wink wink*

huy, alam mo ba bstfrnd may kasabihan wag ka daw magbibigay ng panyo as gift kasi ibig sabihin... papaiyakin mo ung tao na un lagi. whaaa???!?! basta tears of joy... oki lng.. hwek hwek hwek! Corny! xa, xa... til sa susunod na pag-post.
 
posted by Anonymous at 12:27:00 PM | Permalink |


3 Comments:


  • At 24 May, 2007 13:26, Blogger litaniya ni tekla

    akala ko treat mo ako.. baket KKB na naman hehehe

    graveh yung movie ang tagaaaal nainip ako. pero sulit naman ang bayad *_^ sana bumili ka ng popcorn

    anong gift ka dyan, nakalista yan kaya mamaya sisingilin na kita sa utang mo.

    parang baliktad inkee, ako yung naiiyak lagi bwehehehe

     
  • At 24 May, 2007 21:00, Anonymous Anonymous

    salamat sa pagbisita sa munti kong bahay and please also visit and link my other site http://pinkalicious.us.to!

     
  • At 26 May, 2007 11:32, Anonymous Anonymous

    Grabeh! Ibang level talaga yang friendship nyo at may monthsary pa . Sana lalo pang magtagal (forever) ang samahan nyong dalawa.