Friday, November 24, 2006
i love math??!!??
After skul namin pareho eto ang aming ginagawa ang walang katapusang pagso-solve sa math... trigonometry at physics samahan pa ng binary numbers 0's & 1's. Whheew!


"ayan SOLVED na!"

Ang hirap palang mag-refresh inkee, kahit walong math ang aking napagdaanan sa college dapat basa-basa mode muna buti wala pa akog memory gap nyahaha. Dapat pala kay TiKey tayo magpaturo. Pwede po ba?
 
posted by Tekla.Inkee at 2:02:00 PM | Permalink | 12 comments
Tuesday, November 21, 2006
kaibigan na laging maasahan
Bago mag-start ang klase ni inkee isa-isa naming binisita ang mga dating kaklase, kasamahan at kaibigan na hindi nakalilimot sa kanya magpakailanman.

Una ay si madz na naging kabarkada na rin ni inkee during her college at kahit magkaiba sila ng course madalas nakikita ko silang magkausap during vacant. At ngayun nga isa si inkee sa ninang ng baby nya.

Sumunod ay si marckus, ang tanging kaklase ni inkee sa multimedia arts at napagtyagaang kasama sa loob ng dalawang taon *wag ka nag hihirit pa justin*. Makulit, bibo at mabait si marckus kaya naman nag-bonding ang dalawa at masasabi kong maganda yung naging samahan nila 'til now. Isa si marckus na laging available kapag gusto ni inkee ng ka-chat *woot* especially nung nasa washington pa cya.

Dinalaw din namin si aliw, ang ka-close ni inkee sa kanyang mga classmate during her programming days pa na nuon ay bestfriend ko din. Inaanak din namin ang baby ni aliw na si eugene na madalas naming bulabugin sa kanilang bahay. Everytime na may handaan kina aliw tulad nito we're always present.

Pahuhuli ba naman ako, cyempre kami muna ni bestfriend ang magk-kwentuhan at mags-stroll. Actually hindi ko pa cya napapunta sa aming bahay kasi ala pang magluluto ng leche flan hehehe na alam kong favorite ni inkee. Hayaan mo bestfriend sa birthday ko promise... babaha ng leche flan *woot*
 
posted by Tekla.Inkee at 10:13:00 AM | Permalink | 4 comments
Saturday, November 18, 2006
adventure sa enrollment
Nang sabihin ni inkee na gusto nya mag-aral ulit, ipinag-inquire ko na agad sya sa mga skul dito sa batangas kung saan pwedeng ma-credit yung mga subjects nya sa kursong kanyang tinapos ng 3 taon Computer Programming at Multimedia Arts. Una kong pinuntahan ang STI at AMA since computer skul so expected ko daming subjects na maccredit pero nagkamali pala ako ng kutob ndi sila nagccredit esp computer subject kahit pareho yung units at description. Hello! baket ayaw nyo eh di ba pinopromote nga ni Sec. Syjuco ang ladderized education program? Anyways, kung ayaw nyo eh hindi ako magpipilit meron pa naman dyang ibang colleges na sa alam ko eh mas maganda ang standard of teaching. Sunod kong pinuntahan ay ang batangas state university ang aking alma mater at tahanan ng mga topnotchers & guess what? 20 subjects ang na-credit oH Ha! at full load pa 28 units kahit transferee at 2nd sem na. Salamat kay kaibigang Engr. Rufi sa special na treatment hehehe.

A day after dumating si inkee pinakuha ko na agad cya ng entrance exam at salamat ulit kay Prof. Gutierrez at kahit tapos na ang entrance examination period pina-take pa rin si inkee. Kinabukasan may result na at agad kaming nagpaevaluate. Haba ng pila sa assessment, registrar at cashier, buti na lang nadaan ko sa pagandahan este padrino pala. Opo nagkalat mga kamag-anak ko sa BSU at bingo enrolled na si inkee.

Akala ko duon na matatapos ang pagiging nanay ko, akala ko lang pala un hehehe. Naghanap kami ng tela para sa uniforn nya at dinala sa pinsan kong mananahi. Balikan na lng daw after one week :)

Start na ng klase saka pa lang nai-post ang schedule, naka-recieve ako ng text at sabi "magddrop na ako bestfriend" dali-dali akong nagpunta ng skul at nag-plot ng schedule nya sa tulong ng isang kilalang instructor. Sa wakas, oki na ang schedule at hindi ka na magddrop.

Excited na si inkee sa pagpasok kaya para may remembrance picture picture muna :)

Sa mga taong nagmagandang-loob at nag-assist sa amin ni inkee maraming maraming salamat po :)
 
posted by Tekla.Inkee at 11:27:00 AM | Permalink | 4 comments
Friday, November 17, 2006
laro-laro lang muna


 
posted by Tekla.Inkee at 3:48:00 PM | Permalink | 1 comments
Saturday, November 04, 2006
unang hirit ni B1 at B2
Everytime na ka-chat ko si inkee lagi ko syang tinatanong kung ano ang gagawin nya pagdating ng pinas. Alam nyo ba ang kanyang sagot

"e di magta-TAGALOG!"

oo nga naman, di ba napakandang sagot hehehe.

Alam ko ang daming na-miss ni B1 nung umalis cya ng pinas 2 years ago. Una yung meryendahan namin sa KFC, ang mag-stroll sa kahabaan ng Rizal Avenue, mga kwentuhnan, asaran at dramahan sa 4th floor ng Favorito's Building, mahabang pila sa Global Video City para mag-rent at mga raket naming thesis at program.

Nang dumating si B1 avah! todo hataw sa pananagalog at take note nag-BICOL pa nyahaha at syempre stroll kami sa SM at kain agad sa KFC at KFC pa ulit. Sayang wala ng promo ng smart snack na sa halagang P15 meron ng brownies at drinks. Baket nga ba nawala yun inkee? Baka nalugi? Kasi tambayan ba natin araw-araw hehehe.

Kumain din kami sa McDO ---> nuggets kay B1 at chicken naman kay B2 .

Humanda ang jabi, gree-netch, shakeys at pizza-hoooottt lulusubin namin kayo ni inkee.....GRRRRRRR!
 
posted by Tekla.Inkee at 2:40:00 PM | Permalink | 5 comments