Thursday, November 22, 2007
If A Picture Paints A Thousand Words....
I came across old photos on my computer... and as I reminisce on the memories.. i remembered... *dramatic pause* xemen! tagalog pala dito.. hek hek hek!

Ating balikan ang nakaraan ni B1 at B2....





at bukas nga po ay ang aming 57th (?!?) monthsary ni bestfriend! yeheey!!! tamang-tama at friday bukas... ilabas ang vodka! nyahahah!
 
posted by Anonymous at 9:45:00 AM | Permalink | 4 comments
Saturday, November 17, 2007
Simoy Pasko Na...
Eto na naman ako... nag-uupdate... ano pa ba gagawin... 3 blogs na ang aking ginagawan ng entry.. hahaha. ang lupet mo tekla, di mo man lang ako tulungan. huhuhu!

Update kay Tekla....
Ngayon po sya ay busy mag-enroll ng kanyang Masteral.... nasa skul xa ngaun at nag-aavail ng kanyang 50% scholarship.. mwehehe.

Super Busy na xa simula ngayong linggo... Biro mo nman bukod sa kanyang 7-4 (tama ba?) simula Lunes-Biyernes na trabaho sa School A...ay meron pa syang raket kapag Sabado sa School B. 8-5 nga ba schedule mo? Kareerin ba naman ang pagiging teacher. At dahil double job sya sa pagiging titser, double job din sya sa pagiging estudyante. Avah at bukod sa kanyang Masteral tuwing Linggo sa kanyang Kursong Inhinyerong Pang-Kompyuter.... ay meron pa syang klase tuwing gabi para sa kanyang 18 units ng Edukasyon. Hay sus Tekla, kaya ba yan ng powers mo? Paano na ang mga gimik natin?

Update kay Inkee...
Nagpapanggap na busy. Minsan ay nagttype ng pagkadami dami, minsan naman ay naktambay lang sa trabaho. Kapag nasa matinong pag-iisip ay gumagawa ng tula, kung ndi nman ay gumagawa ng video. Mwaahha! ^_^
 
posted by Anonymous at 1:59:00 PM | Permalink | 6 comments
Sunday, November 11, 2007
Tula Tulaan Daw!
Ang susunod na drama ay matagal ko nang ginawa.. at naipost sa isa kong blog para sa aking matalik na kaibigan. ngunit dahil gnagawa ko nang 'strictly english' ang without a note, nagbubura na ako ng mga tagalog na tula sa nasabing blog at pinagsasama-sama na ang mga tagalog sa blog na ito.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

Di ga'y mahirap yumari ng tula
Gagamitan mo ng matatamis na salita,
Paghahayag ay waring may sinasadula,
Anla, tingnan at tila nangungutya.

Sa aking tula wag sana mahalata,
tonong batangenyo'y lumitaw ng kusa.
Ipilit man itago are,
ano ga't pilit pa ring nagmamalaki.

Kung iyong nanaisin,
boses sana ay pahinain.
Nang hindi matonohan katagang likas na sakin.

Aking sisimulan ang alay na tula,
Alay sa kaibigan, turingan ay kapatiran.
Di ko man malaman,
san areng paroroonan,
Pilit pa rin naimik,
Baka sakaling ideya ay makamit na dine

Ayan nga at wala pa rin, nakalima nang taludtod.
Pano kaya sasabihin,
sabihin sa marikit na sining.
Ako'y pagod na at di na makaisip,
Sasabihin ko na nga lang na ika'y mahalaga sa akin.

Ako'y ngingiti at sayo'y ipapawari,
Mahal kita kaibigan,
Wag kang gagaod.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

Ako'y isang hamak na manunulat lamang. Mangyari magustuhan, wag sana ipagkalat o iangkin. Humingi lamang ng permiso o tukuyin ang pangalan ng orihinal na manunulat kung iyong gagamitin. Salamat po!
 
posted by Anonymous at 10:42:00 AM | Permalink | 1 comments
Saturday, November 10, 2007
Update Anyone?!?!?
Wooo!!! I don't know what happened with this blog.. WAAAAAAAAAIITTT!

Tagalog nga pala ang birit dito.. muntik ko na makalimutan. Ano na ang nangyari...

Hunyo 2007 vs. Sa Kasalukuyan

Mula noong Hunyo ngayong taon, naging busy kami ni bestfriend mag-ayos ng aking computer shop. Biglaan ko lang siya naisip dahil na-bad trip ako sa aking pag-aaral. Dapat 2nd year college na ako ngayon, tsk tsk. Pero maayos na naman ngayon. Apat na buwan na ang aking negosyo, at kumikita na rin.

Kung kayo ay sumabaybay, si bestfriend Tekla ay nagkkwento sa kanyang Litaniya ng mga balita... tungkol sa kanyang buhay buhay.

Ako naman kapag sinisipag ay napapatula sa aking sariling blog. ^_^ pag may energy, e napapasayaw pa. Hahah!

Sa kasalukuyan ay sinubukan na din namin sumali sa mga "blogging for profit/sponsored posts"... Ang Litaniya ay nagsimula na maging inglesera... at ang Without A Note ay dati nang inglesera. Pero pipilitin ko po na mag-diretso tagalog dito at iwasan ang salitang banyaga kung maari. Ang hirap pala nito, pare. binabasa ko pa lang, nabubulol na ako.

Naka-ilang pagsara at pagbukas na ba nitong blog na ito? Hahahaa!

Sa ikatatlong pagkakataon, muli po naming bnubuksan ang aming "dyornal"... Tuloy po kayo.. nasa kaliwa ang kapehan! ^_^
 
posted by Anonymous at 9:40:00 AM | Permalink | 3 comments