Sunday, November 11, 2007
Tula Tulaan Daw!
Ang susunod na drama ay matagal ko nang ginawa.. at naipost sa isa kong blog para sa aking matalik na kaibigan. ngunit dahil gnagawa ko nang 'strictly english' ang without a note, nagbubura na ako ng mga tagalog na tula sa nasabing blog at pinagsasama-sama na ang mga tagalog sa blog na ito.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

Di ga'y mahirap yumari ng tula
Gagamitan mo ng matatamis na salita,
Paghahayag ay waring may sinasadula,
Anla, tingnan at tila nangungutya.

Sa aking tula wag sana mahalata,
tonong batangenyo'y lumitaw ng kusa.
Ipilit man itago are,
ano ga't pilit pa ring nagmamalaki.

Kung iyong nanaisin,
boses sana ay pahinain.
Nang hindi matonohan katagang likas na sakin.

Aking sisimulan ang alay na tula,
Alay sa kaibigan, turingan ay kapatiran.
Di ko man malaman,
san areng paroroonan,
Pilit pa rin naimik,
Baka sakaling ideya ay makamit na dine

Ayan nga at wala pa rin, nakalima nang taludtod.
Pano kaya sasabihin,
sabihin sa marikit na sining.
Ako'y pagod na at di na makaisip,
Sasabihin ko na nga lang na ika'y mahalaga sa akin.

Ako'y ngingiti at sayo'y ipapawari,
Mahal kita kaibigan,
Wag kang gagaod.

~ o ~ o ~ o ~ o ~

Ako'y isang hamak na manunulat lamang. Mangyari magustuhan, wag sana ipagkalat o iangkin. Humingi lamang ng permiso o tukuyin ang pangalan ng orihinal na manunulat kung iyong gagamitin. Salamat po!
 
posted by Anonymous at 10:42:00 AM | Permalink |


1 Comments: