Tuesday, May 29, 2007
Galaan Na Naman!
Kahapon ay nag-text sakin ang aming mutual friend ni Tekla. Fiesta daw sa kanila at hindi pwedeng hindi pupunta dahil miss na daw kami. Asus!!! Kahit ayaw ko talaga pumunta fiestahan, ay dahil na rin sa hiya ay tumuloy kami ni Bstfrnd. At para na din mabisita ang aming inaanak. Hiyang-hiya talaga ako nun.. eto nga ang prueba. O, di ba? Yukong-yuko pa nga ako. hehehe. Mejo nahihilo na kami that time ni Bstfrnd, kasi pareho pala kami ala almusal at tanghalian. Ngunit salamat dito...atska dito... hay lumiwanag na ang paningin namin pareho. Xempre, hindi mawawalan ng aking paborito na leche flan. Ang saya-saya... BUO na ang araw ko. ^_^ At hindi mawawalan ng picture-taking naming tatlo--Inkee, Tekla and Filipina. Sa hindi po nakaka-alam, xa po ay dati kong classmate/bestfriend sa kolehiyo at dating estudyante/bestfriend ni Tekla. Xa rin po dahilan baket kami naging mag-bestfriend ni Tekla. Opo, dahil iniwan nya kami pareho. wakekeke..joke lang!

Pagkatapos kumain ay nagburn muna kami ng calories at nakipaglaro sa aming inaanak na si Eugene. Eto si ninang greys at todo pose. At isa pa nga dito. Ako naman ay hindi na magkaintindihan sa ganito, ganun, at ewan ko baga. Hayy..nakapag-pose din sa wakas. Pahinga na kami pagkatapos ni Bstfrnd at yan nga.. meron na napag-balingan na laruin. Magpa-cute ba naman dito... at pag-tripan ito.

Teka, lampas alas-singko na pala kaya uuwi na kami ni Bstfrnd. May ka-EB pa ata etong si Bstfrnd at kitiktxt. Hanggang sa susunod na pagpapa-cute!!!
 
posted by Anonymous at 5:04:00 PM | Permalink | 4 comments
Thursday, May 24, 2007
Ang Selebrasyon!
Kahapon ay nag-celebrate kami ni Vichen ng aming 51st monthsary ng pagiging mag-bestfriend. Biro mo ba naman... napag-tyagan ko ugali nya ng ganun katagal. haha! joke lng bstfrnd. Alam naman nila lahat na ikaw ung mabait at ako ung... kyut. wahaha!

As usual na ritual, kakain kami. Sa paghahanap ko ng mura na makakainan, ayan at napamahal lalo ng kumain sa Greenwich. Ang bait tlaga nitong bstfrnd ko at habang naghihintay ng order e binigyan nya ako ng aking fave libangan...eto. Sa wakas dumating na din ang order namin... at ang matagal ko nang inaasam na mango ala mode. Teka at overcharged ata, sabi sa poster e P39 lang daw, ngunit baket P49 ang nasa resibo? Kaya dali-dali ko pinabalik sa counter si bstfrnd.. at ayan nga.. nalaman na P39 nga nakalagay sa poster.. pero sa baba sa napakaliit na font size 10 ay **additional P10 for icecream. Gahhh!!! Para-paraan talaga ng Greenwich. Kaya nagpicturan na lang kami ni Vichen, habang nilalasap ko nalang ang aking P49 na ala mode. yummm...

Matapos kumain ay watch kami POTC3... premiere kasi. Buti nalang wala masyado tao at hindi maingay. Nakapagpa-picture pa ako dito... at pati na rin si bstfrnd. 8pm na natapos kaya dali dali na kami umuwi at baka maubusan na kami ng jeep.

Salamat nga pala bstfrnd sa gift mo. Gusto ko 2loy umiyak para mgamit ko xa. Cenxia ala ako gift.. eto nalng entry na to! *wink wink*

huy, alam mo ba bstfrnd may kasabihan wag ka daw magbibigay ng panyo as gift kasi ibig sabihin... papaiyakin mo ung tao na un lagi. whaaa???!?! basta tears of joy... oki lng.. hwek hwek hwek! Corny! xa, xa... til sa susunod na pag-post.
 
posted by Anonymous at 12:27:00 PM | Permalink | 3 comments
Tuesday, May 22, 2007
Hapi 51st Bstfrndsary
 
posted by Anonymous at 10:01:00 PM | Permalink | 2 comments
Monday, May 21, 2007
The Tournament
Noong Sunday ay nagkayayaan kami ni Bstfrnd mag-badminton. usapan namin ay 7:30am ay magkikita kami sa Jollibee... Avah! at 8am na ay wala pa rin itong si Tekla! Kaya nag-walkathon muna ako paikot-ikot ng bayan. Biglang nag-text naman si Bstfrnd kung asan na daw ako... yun pala nasa kabilang branch ng Jabi. ANG GULO MO BSTFRND!!! XD

Excited pa man din ako maglaro kaya pagdating namin.. todo hataw na kami sa court. Eto nga si Bstfrnd at give na give. Dahil siguro sa pagod sa paglalakad ay tila natatambakan yata ako. Huhuhu!!! Buti nalang at may na-discover si bstfrnd na isang mahiwagang *gasp* salamin!

Ayan at todo pa-cute praktis sya sa harap.
(writer's note: inalis ko na po ung link kasi request si Vichen na wag daw ilagay.. nagmamakaawa sya para sa kanyang natitirang dignidad. hehehe!)

Naki-join din ako at hindi mapigilan gawin ito:



(WN: take note sa talent ni bstfrnd mag-rap.. wahahaha!)


Hindi yata kayanin ng aking makamandag na moves si Tekla...kaya dito nalang ako bumawi. Isang ganito, isa pa rin dito, at isa duon. Ayan! knock-out ang kalaban! kakapagod pala.. kaya hydrate muna ako... at isa ngang C2 dyan!

Wag po kayo mag-alala... nakatulog lang po si bstfrnd. Kaya sinabayan ko na rin sya. At kabigla-bigla! may kakambal pala si bstfrnd! Kaya eto ang inabot ko sa kanyang evil twin... Arayku!!!

Pagkatapos ko makipagbati... ay mali, heto pala. Ay okay na kami ni Bstfrnd... Kaya todo pose na.. solong solo ata namin ang court... kahit 3 sabay sabay!!! hahaha!!! Ako ay dito... si bstfrnd naman ay todo badminton pa rin duon.

Teka.. andami na atang naka-expose na pictyur namin dito... baka sumikat na kami. Hanggang sa susunod na palabas!!!
 
posted by Anonymous at 7:15:00 PM | Permalink | 7 comments
Saturday, May 19, 2007
Weekdays Gimik
WEEEKDAYS GIMIK

dahil sa sobrang init at alinsangan, hindi ko alam kung saan susuot. kung pwede lang sa ref mag-stay ginawa ko na, kung pwede lang matulog dito sa skul ginawa ko na rin, kung pwede lang pumunta sa alaska nagpa-book na sana ako *joke*

buti na lamang at may mga malls na libreng nagbibigay ng lamig sa tulad ko, tulad mo at tulad ni bestfriend. pagpasok pa lamang sa entrance, halos sipsipin at lunukin namin ang lamig na ibinibigay nito. haaayyyy, sarap ng feeling!

para hindi naman halatang nagpapalamig lamang kami ni inkee, syempre dating gawi.... ang videoke! hanap agad ang kitchie nadal's medley at hala! bira na agad.

nang mawalan ng boses diretso na sa kainan. habang naghihintay ng order, sa halip na crackers ang ibigay, ito na lang daw muna at maglaro ng tic-tac-toe. after 10 minutes heto na ang pinakahihintay namin.... dyarrrraaaannnn!

maaga pa para umuwi kaya ikot ikot muna kami. si inkee ay duon at ako naman ay dito.

-----------------

akala mo RHO ikaw lang ang may gimik nung weekend syempre kami din ^_^
 
posted by Tekla.Inkee at 10:15:00 AM | Permalink | 4 comments
Wednesday, May 09, 2007
Kembot-an na!
SO YOU THINK YOU CAN DANCE???


Kakaibang Gimik kami nung friday... pagkatapos mamasyal sa Capitolyo (see photos at the previous post) ay dumiretso kami sa aming dance practice. Hmm.. baka hindi nyo alam na dancer ata itong si Vichen.. Dance Co ata siya noong kabataan ay... college years nya.

Matagal na rin ini-request ni Vichen na gumawa RAW kami ng aming Dance Video. At pagkatapos aralin ang nakaka-indak na sayaw ay heto na ang aming pinaghirapan. Pati na rin ang aming kalokohan at katangahan.





Hindi man kagalingan, sana maunawaan na kami ay tao lamang. ^_^ wahahaha!!!
Gumagana na po ang "comments" section,
mag-iwan ng mensahe at ito ay aming ikagagalak.
naks.. ang DEEP!

Pwede na ba kami sumali sa "You Can Dance"?
Vichen, ang kyut ng kasama mo...
Yung nka-white.. Graveh! Crush ko na xa. harharhar!!!! Wait! si alaine pala un!
 
posted by Tekla.Inkee at 8:48:00 PM | Permalink | 8 comments
Saturday, May 05, 2007
Capitolyo

Batangas Provincial Capitol, Hilltop, Batangas City


 
posted by Tekla.Inkee at 10:39:00 AM | Permalink | 3 comments